Kasaysayan
![]() |
Ang Delia Memorial School ay nagsimula bilang munting institusyon noong 1965. Ipinagalan para kay Sis. Delia Tetreault, isang madre na kanadiyana mula sa Holy Mother Immaculate Mission. Nagsimula ang Delia Memorial School sa pagbigay ng edukasyon sa mga mag-aaral sa Tsim Sha Tsui, Kowloon. Katulad ng paglaban ni Sis Delia sa mga pagsubok ng ilang taon – sa pagpapahayag ng ebanghelyo sa Tsina, ipinaglaban ng aming paaralan na magtayo ng matatag na pundasyon ng edukasyon sa mga mag-aaral na hango sa iba’t ibang mga bahagi ng lipunan.
Noong bata pa, si Delia ay nagkaroon ng panaginip kung saan itinawag siya sa buhay relihiyoso – napanaginipan niya ang mga butil ng palayan na naging mukha ng mga bata mula sa iba’t ibang bahagi ng sanlibutan. Hindi mapagkaila na ang Delia Memorial School ay kasalukuyang nagseserbisyo ng mga mag-aaral na nagmula sa higit kumulang na 50 bansa!
Mula sa pagtatag nito noong 1965, ang Delia Memorial School ay ipinalawak sa maraming paaralan at nabuo bilang Delia Group of Schools na may 5 Direct Subsidy na mataas na paaralan, 2 mababang paaralan, 2 kindergarten at isang pandaigdigang paaralan. Ang pagtatala ng mga mag-aaral ay tumaas ng higit na 6500 mag-aaral na nagmula sa iba’t ibang bahagi ng lipunan.
Ang mga paaralan namin ay ipinalawak sa New Territories, Kowloon and Hong Kong Island at kabilang dito ang mga sumusunod na paaralan: Glee Path, Hip Wo, Matteo Ricci, Broadway at Yuet Wah Secondary Schools: Mei Foo at Tsing Yi Primary Schools, Mei foo and Spring View Kindergartens, at ang Delia School of Canada sa Tai Koo. Magmula noon, ang Delia Memorial School ay lumalawak pa rin. Lahat ng aming mga paaralan ay mayroong mga pasilidad sa bawat silid aralan na may teknolohiya tulad ng tableta, laptop, projector, laboratoryo ng mga kompyuter at agham, at kayamanang pang-edukasyon.
Ipinagmamalaki naming ang pagseserbisyo sa mga mag-aaral na may sari-saring kultura at napakahusay sa pang-akademyo at gawaing kurikular. Ang aming 650 guro at tauhan ay tapat magbigay ng edukasyon na may kalidad sa pamamagitan ng husay sa pagtuturo at huwarang materyales sa paghahanda ng mga mag-aaral sa kanilang kinabukasan.